Ronnie Liang known for “Ngiti,” and currently his remake of “Yakap,” recently visited my radio show and played the “Ibulong mo Fu” segment. He chose Sarah Geronimo, Anne Curtis and Nadine Lustre to be part of his list.

dsc07522 e1565662156845 - WTFu: Ronnie Liang puts his game face on

Ronnie Liang (Manila Bulletin File Photo)

+++

MF: Sino sa kanila ang pinakamagaling sa (bulong part)…

RL: “Of course, si Sarah G!”

Na-experience mo na gawin yan with her?

“Oo, naexperience ko na!”

Mga ilang beses?

“Maraming beses na…”

Sino nauna sa inyo ni Matteo?

“Siguro ako…”

Wow, ikaw talaga nauna ha! Magaling talaga si Sarah dyan?

“Oo, petmalu! Lodi!”

Ikaw ba magaling dyan?

“Oo! Magaling na magaling!”

Sa tingin mo kaya sya nagustuhan ni Matteo kasi magaling sya dyan?

“Oo! Magaling talaga sya dyan!”

Di ba mag-re-record kayo ni Sarah ng kanta? Gagawin nyo ba yan ulit?

“Pwede!”

Ano oras? Umaga, tanghali o gabi? Before, during or after the recording?

“Anytime pero pwede before and after the recording.”

Di kaya kayo mapagod?

“Nakakapagod naman talaga yang ganyang gawain pero kaya!”

Malakas ba resistensya mo dyan?

“Oo, dahil lagi ko naman yan ginagawa…”

Ay, parang gusto kong gawin with you!

+++

Sino sa kanila ang pinakamasarap ang (bulong part)

“Sa tingin ko si Anne.”

Natikman mo na ba?

“Di pa, pero gusto kong tikman. Although pag nagkikita kami, mukhang masarap talaga…”

Sa tingin mo nasarapan si Erwan?

“Oo naman, siempre! Pag nagsasalita palang sya, alam mo nang masarap!”

Kung ikaw ang titikim, titikman mo ba ng umaga, tanghali o gabi?

“Mas okay kung dinner…”

Tingin mo kaya sya habulin ng boys kasi masarap yun?

“Pwede, kasi masarap na masarap!”

Eh, yung sayo ba masarap?

“Oo! Masarap na masarap!”

Bakit ko ba yun tinanong! Matitikman ko ba yan?

“Oo, naman kahit ilang beses!”

Ay, di ko tatanggihan yan!


+++

Sino sa kanila ang may pinakamalaking (bulong part)…

“Para sakin, si Nadine…”

Nakita mo na?

“Naramdaman ko! Pero kitang kita mo naman pag nakita mo sya…

Totoo yan. Nakatrabaho ko yan dati. Nakita ko. malaki nga. Kahit ngayon na malaking artista na sya. Lalong lumaki!

“Oo, nakikita ko yan pag nag-ge-guest ako sa JaDine shows…”

Sa tingin mo kaya siya nagustuhan ni James Reid kasi more than anything else, ang laki?

“Oo, siempre. Big factor yun! Siempre sa mga lalaki, factor yun…”

Ikaw ba? Dapat sa babae talaga malaki yun?

“Oo, it’s a must!”

Eh yung sayo ba malaki?

“Oo, malaking malaki.”

Di na ko makatingin sayo nyan!


(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 9am-12nn, Mondays to Fridays and 9pm-12mn, Saturdays.Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: Mr. Fu the Star DJ. For FU artworks: @theartofFU on ig)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *