Most people know the name Ricky Lee is synonymous to “words.”

A veteran Filipino screenwriter, novelist and playwright, he has won multiple awards. But unknown to many, it is only now he finally fulfilled his dream of graduating from college.

Early this week, the writer of “Himala,” “Moral” and other classic films was awarded an honorary doctoral degree in Humanities at the Polytechnic University of the Philippines (PUP).

Lee, 71, studied English at the University of the Philippines but did not finish the program as he went underground full-time during Martial Law.

“Akala ko di na ako ga-graduate. Ilang dekada ko rin itong hinintay,” he said in the beginning of his speech. “Masasabi ko na ngayong graduate na ako. Nakatoga pa.”

ricky lee - Ricky Lee offers advice to graduates: ‘Make mistakes, serve others!’

Acclaimed scriptwriter Ricky Lee delivers his speech

As he always has a way with words, Lee imparted inspiring message to his fellow graduates. Note that his speech made rounds online, becoming one of Twitter Philippines’ trending topics.

Lee detailed the challenges he faced as a working student and shared three life lessons he learned. It includes work hard, make mistakes and get involved.

‘Laging kulang ang silya’

In explaining the first lesson, Lee talked about his journey moving from Daet, Camarines Norte to Manila where he became a working student. He recalled how he and his four roommates had to share one table with only four chairs.

“…Hindi namin alam kung saan kami titira, kung ano ang magiging trabaho namin, kung ano ang naghihintay na kapalaran sa amin. Ang alam lang namin, punung-puno kami ng mga pangarap.

“Di nagtagal nagtrabaho sa pabrika ng payong ang tatlo sa amin. Kami naman ng isa ko pang kasama ay naging waiter sa isang pizza parlor sa Pasay. Umarkila kami ng maliit na apartment. Aapat lang ang silya namin kaya kapag kumakain kami ay laging may isang nakatayo.

“Habang nakatingin ako sa kasamahan naming nakatayong kumakain, pinangako ko sa sarili ko, balang araw makokompleto ang silya.

“Di nagtagal ay di nakaya ng mga kasamahan ko ang trabaho nila sa pabrika. Lagi silang nagsusuka pag-uwi dahil sa kinakain doon. Nagkahiwa-hiwalay kaming lima at kasabay ng iba pang mga gamit na naipundar namin ay ibinenta namin ang apat na silya. Bitbit namin ang maliit na kahon ko ng mga damit, inihanap nila ako ng Bikolanong puwede kong pakitirahan.

“Working student ako all throughout college. Nag-salesman ako, accounting clerk, tutor, student assistant, proofreader at kung anu-ano pa. Tinanggap ko na, na sa buhay na ito ay laging hindi kompleto ang silya. Hindi nakaabang ang mundo para ibigay sa’yo ang lahat ng kailangan mo. Hindi ka entitled. You have to be resourceful. You have to work hard. Kailangan mong pagtrabahuhan ang kulang na silya.”

‘Hindi ka kailangang maging perpekto’

According to Lee, graduates should expect to be criticized and judged once they are out in the world.

He said they would be measured by the world around them in ways that will not always be reasonable.

“Hayaan mo sila. Just keep working hard. Ipaglaban mo ang mga pangarap mo,” he said.

“Hindi baleng mabigo ka na ipinaglalaban ang mga pangarap mo, kesa nabigo ka nang hindi man lamang dahil sa mga ito.

“At kahit mabigo ka, huwag kang mag-alala. Hindi iyan ang sukatan ng worth mo bilang tao. Hindi mo kailangang maging perpekto. Hindi mo kailangang labanan ang sarili mo, o pantayan ang iba. You are never worthless. Just be yourself. Langoy lang nang langoy, lipad lang. Bawat graduation ay pag-iwan kaya lumayas ka, putulin mo ang tali, iwanan mo ang nakagawian, pumalaot ka. Huwag kang matakot magkamali. Di baleng malunod. Di baleng mahulog. Kapag bumagsak ka, doon mo mas mahahanap ang sarili mo. Sa paulit-ulit na pagkabigo ay mas matututo ka. Para kang sinusulat na nobela na kailangang paulit-ulit na i-revise. Hanggang sa kuminang.”

Lee admitted he hasn’t always been so sure of himself. In fact, he said that he has had inferiority complex ever since he was younger.

ricky lee1 952x1250 - Ricky Lee offers advice to graduates: ‘Make mistakes, serve others!’

RICKY IS the writer behind ‘Himala,’ ‘Moral’
and other Filipino classic films

“…Weird ang tingin nila sa akin. Lagi kong ikinukumpara ang sarili sa iba. Ba’t ang dami nilang nagagawa na hindi ko magawa? Ano ang kulang sa akin?

“Lumaki akong laging gano’n. Kaya ang ginawa ko nagsikap ako. Nag-aral akong mabuti para maging First honor ako mula Grade 1 hanggang Fourth Year. Sa UP rin university scholar ako maski di ako nakatapos. Nag-aral talaga akong mabuti para labanan ang inferiority complex ko.

“Later on ko na lang natutunan, na kung saan ka mahina, kung anuman ang mga depekto mo, balang araw iyon din ang magiging strength mo. Kasi ang strength, kapag nanggaling sa depekto, mas matibay. Dahil nakita mo ang ibaba, mas naiintindihan mo ang itaas. Dahil nanggaling ka sa dilim, mas natatanggap mo na ang buhay ay hindi puro liwanag.

“Kung nasaan man ako ngayon, kung anumang tagumpay ang meron ako ngayon, matatag ang kinatatayuan ko kasi nakatuntong ako sa isang bundok ng mga pagkakamali at mga pagkabigo.”

‘Makisangkot ka’

Lee’s last lesson for the graduates is to take part in the lives of others.

“Ang buhay na hindi inilaan sa kapakanan ng iba ay parang lantang gulay o bilasang isda na walang nakinabang.

“Huwag kang kuripot. Ibigay mo ang buhay mo sa iba, maski na paminsan-minsan lang.

“Pumunta ka sa mga bukid, sa mga minahan, sa mga bundok, sa mga batang lansangan, sa mga home for the aged, sa mga inulila ng digmaan. Magtanong ka kung anong maitutulong mo.

“Magkaroon ka ng boses. Ng opinyon. Mundo mo ito. Di ka parang hanging nagdaan lang. Mag-iwan ka ng marka.

“’Yang hawak mong diploma, para ‘yan sa iba, hindi ‘yan para sa’yo.

“Isa sa pinakamakulay at pinakamahalagang bahagi ng buhay ko ay nang maging aktibista ako noong panahon ng Martial Law. Lahat ng mga personal na ambisyon ay kinalimutan ko. Ang buong buhay ko ay inilaan ko na para sa iba, para sa bayan. Nakulong ako nang isang taon sa Fort Bonifacio. Minsan sa gabi ay naiisip ko pa rin, paano na ang mga pangarap ko? Hindi na ba matutupad?

“But in the end I realized it was all worth it. Dahil wala nang sasarap pa kaysa sa pakiramdam na hindi lahat ng ginawa mo ay para sa sarili mo lang.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *